ILANG NAKI-BIRTHDAY SA PANGASINAN, NALASON DAHIL SA KINAING SEAFOODS NA INORDER ONLINE.
Isinugod sa ospital ang 13-katao sa San Carlos City,

Pangasinan matapos umanong makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae matapos kumain ng seafood.

Naki-birthday umano ang biktima at kumain ng seafoods na nasa bilao. Ang ilan sa mga naki-birthday, sumakit din ang tiyan pero hindi nagpa-ospital.

Ayon sa may birthday mula sa Barangay Bacnar, inorder niya online ang lutong seafoods. Galing sa Mapandan ang inorder na seafoods.
