Viral: Paghihirap ng Isang Estudyante para sa Magna Cum Laude na Nawala Dahil sa Kapirasong Papel

Ayon sa post ni Cris Von Patena:
Mahirap pero nagsusumikap, Masipag, madiskarte at matiyaga, Working student para masuportahan ang edukasyon na tanging maipamamana lamang samin ni Ina at Ama. Aktibong estudyante sa loob ng silid aralan at alam yan ng kanyang mga kamag-aral. Ito ang aking kapatid na si Alliah Cristine M. Pateรฑa.
Pinangalagaan ng aking kapatid ang kanyang mga grado simula 1st year Hanggang ngayong 3rd year. Hindi nawala sa Dean Lister, Hindi rin nagkaroon ng 2.00 since 1st year. Subalit nabago ang lahat sa isang iglap dahil sa pagkukulang at hindi tamang treatment na Ibinigay ng guro sa aking Kapatid. Sabi ng ibang mga guro may seminar daw sila na dapat bago magbigay ng grades sa mga students kinakailangan na mapangalagaan at ma-consult especially yung mga latin honors, na ipinagkait na matamo sa aking kapatid kung kayat sya ay binigyan ng 2.25 ng isang guro na hindi manlang binigyan ng pagkakataon na tanungin o sabihin sa kapatid ko na may kulang.
Ilang buwan bago nagbigay ang guro ng grado sa kanyang mga students may ilang students na kanyang na consult at sinabi ang mga kulang nito, Syempre ang kapatid ko ay panatag na dahil Hindi sya na mention at alam nya na wala syang kulang dahil 100 percent ay Ibinigay ng kapatid ko para maipasa lamang ang subject ng kanyang guro. Hindi sa nagmamagaling ang aking kapatid alam nya lang kung ano ang potential at deserve nya sa subject na ito.
Nagtungo ang aking kapatid sa guro na nagbigay sa kanya ng grado. Nagmamakaawang umiiyak ang kapatid ko sa kanyang guro at nang umuwi na samin ay nakakadurog ng puso na makita yung Kapatid ko na pagod na pagod galing trabaho
Ngayon unti unti nalang tinatanggap ng Kapatid ko ang nangyari sa kanya at ipinapasa diyos nalang ang lahat ๐Ÿ˜ญ๐Ÿฅน, pero ganito ba talaga kapag student ka lang wala kang magagawa๐Ÿ˜ญ๐Ÿฅน. Naiyak ako sa kapatid ko nung sinabi nya na ” Ang laki ng paghanga ko sa mga guro dahil balang araw magiging katulad din nila ako pero ngayon parang nabago na ang pananaw ko dahil kahit anong galing at sipag mo kapag may guro na walang malasakit sa students Wala, Hanggang dyan ka nalang. Palagi kong pinagmamalaki na quality education ang ibinibigay nila samen pero ngayon sinampal ako based sa naranasan ko” sobrang awang-awa ako sa Kapatid ko๐Ÿฅน๐Ÿ˜ญ. Alam kong mahirap sa ngayon pero unti unti naming pinaparamdam sa kapatid ko na kayanin at huwag nalang isipin ang nangyari dahil hanggat nandito kami na pamilya nya palagi kaming magiging tungkod para umalalay sa kanya๐Ÿฅน๐Ÿ˜ญ.
Dati wala lang saken yung “Grades is just a number” Oo, number lang sya pero grabe nung sa kapatid ko na nakita yung epekto ng mga numero na alam nyang hindi nya deserve๐Ÿ˜ญ๐Ÿฅน.
Sana maging aral ito sa lahat ng mga guro na dapat bigyan nyo din ng tamang treatment Yung mga students nyo dahil Hindi nyo alam ang pinagdaanan nila para makamit lang yung ganitong uri ng karangalan na maibibigay at maipagmamalaki nila sa kanilang mga magulang. Maging patas at ibigay palage ang karapat dapat.
Isa lang naman ang hiling ko maging okay lang yung kapatid ko, matanggap nya yung nangyari sa kanya, na magpatuloy parin sa buhay at tuparin ang pangarap na kanyang nasimulan๐Ÿ’—๐Ÿฅน. Sis kung nababasa mo ito nandito lang Ako/kami palagi para sayo. Thank you sa mga laban ko na nandyan ka, kaya Ngayon kami naman ang nandito sa laban mo๐Ÿฅน๐Ÿ˜ญ.
No photo description available.
Hindi ko ito ipinost para manira, ipinost ko ito para maging aware yung iba na mahirap yung ganitong situation dahil lumalaban lang kami ng patas at nagmula sa mahirap na buhay kung kayat nangangarap na magkaroon ng magandang buhay para sa pamilya.๐Ÿ™
Credits-to-owner
Pray for my sister recovery๐Ÿ™. โ€Ž