Awareness!! (Addict) (mamamatay tao) not safe na, nasa Loob kami nang bahay nang kapatid ko Pinasukan kami at Pinatay kapatid ko at ako ay nag tamo nang 11 stabs sa katawan gamit ang kitchen knife

November 21 2024 2pm (Afternoon) incident happened
I want to share this to everybody na hindi na safe sa panahon ngayon ! And right time to share my expirience sa inyo
Hapon nung pinasok kami nang kapatid ko
Nag lalaro nang mobile legends kapatid ko sa sala at ako ay tulog nung time nayon
Bigla konalang narinig malakas na sigaw nang kapatid ko na wag daw ako lalabas sa kwarto
Akala ko na nanaginip pako nung time nayun pag mulat nang mata ko umaamba na yung kitchen knife na gamit nung lalake at pinag sasaksak nyako sa buong katawan ko na nag tamo ako nang 11 stabs sa katawan nasa loob ako nang kwarto nung time nayon.

Lumaban ako at sa pag laban ko walang humpay na sigaw ginagawa ko sa addict na pumasok sa bahay pumasok sa isip ko kapatid ko at patuloy akong lumaban ginamit ko pillow ko panangga at first time ko nakakita nang taong nag iiba iba ang mukha first time sa buong buhay ko.
Lumaban at na saksak kosya diko alam saan parte nang katawan nya at sumigaw sya at tumakbo palabas.
Ako na nakahiga sa sahig tumayo hinahanap ang susi nang kotse ko para i drive kopa sarili ko nung time nayun at hanapin kapatid ko para madala sa hospital , hinahanap ko yung sugat kase unti unti ako nahihirapan huminga nakita ko na may tama ako sa tagiliran at pinasok ko daliri ko para tumigil ang pag dudugo at lumabas nang bahay .

Hinahanap ko kapatid ko sabi nang babaeng nasa 3rd floor na nakuha nan nang ambulance kapatid ko , at nag lakad ako papalapit sa kotse ko at bumigay na katawan ko , humihingi ako ng tulong sa mga kotse na dumadaan na tulungan ako pero ni isa sakanila walang tumulong sakin.
Ginawa konalang nag dasal na sana maging okay kapatid ko kahit wag na ako kase nagawa kona lahat gusto ko okay na na ako nalang,
Unti unti nakong nanghihina at wala nakong maalala nasa hospital nako
At binalita nalang sakin na wala na kapatid ko
Parang gusto konarin mawala , mawalan nang kapatid dikana mag heheal
Alam nyo ano ang pinaka masakit na ako ang nag sign nang death certificate nang kapatid ko palabas sa hospital, 1:30am nawalan nang buhay kapatid ko ,

Bigla nag message ang brgy captain nang angeles city na nag babail daw yung pumatay sa kapatid ko , at ang resulta nang prctr office ay slight physical injury bail is 3,000 pesos napa mura ako sa sobrang galit na ang putang inang addict na hayop na gagung pumatay sa kapatid ko at nanaksak sakin eh mag babail nang 3000 pesos for real tumakbo kame sa korte agad at nakita ko yung nanaksak saamin at sya ay nag mamakaawa sabi nya pinainom daw sya nang gamot nang kaibigan nya hindi nya daw alam ginawa nya lumuluhod pa sa harapan ko
Alam nyo ano ginawa ko nag hubad ako sa harapan nya at pinakita mga saksak ko at sinabi ko ( bakit kami hindi kita kilala bakit kami bakit kapatid ko umiiyak na sinasabi ko sakanya )
May mga pinasukan pa syang ibang bahay at madami pa syang pinag sasaksak andaming nabiktima nung oras na iyon madami kaming nag sampa nang kaso and until now nasa korte pa
Nangyari ang incident nato sa Angeles city pampanga.
Until now naririnig ko sigaw trauma tong nang yari na to ,
Awareness sa inyo na sa panahon ngayon marami nang addict mag ingat kayo sana wag mangyari sainyo yung nang yari samin nang kapatid ko pati mga na damay na ibang tao nung oras na yon 

Sinira nya buhay ko at sinayang nya buhay nang kapatid ko na may pangarap dahil sa putang inang drug addict na putang inang yan !
Please share and be aware na nag lipana na mga addict ngayon !