Isang matandang ginang ang natagpuang mahina at giniginaw matapos iwan ng sariling anak sa ilalim ng lababo nang walang pagkain, tubig, at damit sa loob ng dalawang araw. Ayon kay Kristine Vargas Tatad, isang kapitbahay ang nakadiskubre sa lola na may harang na playwud at container ng tubig. Agad siyang tinulungan ng mga residente.
Dumating ang anak ng matanda at inaming iniwan niya ito habang abala sa paglilipat ng gamit. Sabi ng anak babalikan daw naman nila ang matanda, inuna muna ang mga gamit. Mariing kinondena ito ni Kristine, aniya, dapat ang kalagayan ng ina ang inuna.
