8-TAONG GULANG NA BATA NA INUTUSANG BUMILI NG KAPE, NI-RAPE AT PINATAY NG TAMBAY!

Nakahubad, nakagapos at nakabusal ang bibig. Ganyan ang sinapit ng walong gulang na bata na si Joelina Escamillas nang matagpuan sa isang bakanteng lote.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ginahasa ang biktima bago pinatay.

Naghihinagpis ang nagpakilalang ama ng biktima nang dumating siya sa pinagyarihan ng krimen. Kwento niya, inutusan niya ang biktima na bumili ng kape ng ala-una ng madaling araw. Pero hindi na nakabalik ang anak.

s
Nahuli na ng Pulisya ang 19-anyos na suspek na si Julius Rodas sa tulong ng CCTV Camera. Sumama raw ang biktima matapos itong bigyan ng tinapay ng suspek.
Dinala ng suspek ang bata sa bakanteng lote at doon niya ginahasa at pinatay.